Ipagtanggol ang Simbahang Katolika


My site was nominated for Best Religion Blog!


Thursday, April 30, 2009
This BLOG will SOON CEASE to EXIST

May 1 can't wait. This BLOG will SOON CEASE to EXIST. I love this blog but I have to let go - and move on.

The act of choosing is the oxygen to your soul.

PROJECT DENNIO
Awakening from the deepest slumber:

http://projectdennio.blogspot.com/

Visit it now.

Labels: ,


Monday, March 10, 2008
Rebirth

I love the word: rebirth. We are all born once. But at some point in our lives, we would be born again. I’m not referring to the different Christian denominations/religions but to that state of being wherein you have just emerged from something so nasty, so painful and so dark that after everything that happened, you would turn out to be a better person.

And that is what I’m hoping for: a rebirth; a new life.

The past few years have not been so good to me. A lot had happened. But mostly, not so good events that really, really brought me down. And yet, here I am: alive and kicking.

I thought it would be all over soon. But as the days, months and the years pass by, it seems to be greater. More sufferings. More failures. It was just the beginning.

And the climax came on the last few months of the 17th year of my life. And even up to this time, hindi pa natatapos ang lahat.

Twelve hours ago, I turned 18. And yet, my spirit is still down. Really down. I’ve been actually sick for a month now. My cough won’t just go away.

Anyway, I’m still hoping that the following year would be better.

And to YOU up there, who is looking down on us, mightier than anyone or anything and who never left us in every step of our way. I’m sorry for doubting you once. I’ll never do it again. I believe you had a plan for me. And by the way, remember that once I told you: Paki batukan naman ako. And yes, it all happened. But you never did it to me. You made me do it to myself. And again, I’m asking you: please help me to live a new life with you. Serving you and the people you dearly love. Please. I beg of you. Maawa ka po sa hampas-lupang gaya ko.

And to everybody else, I’m asking for your prayers.

Thank you.

Labels: , ,


Tuesday, February 26, 2008
TAMA NA! SOBRA NA! PATALSIKIN SI GLORIA!

Habang tahimik ang lahat kahapon nakita ko ang isang maliit na papel (actually isang short bond paper) na nakapatong sa aking lamesa. Binas ko ang nilalaman nito. And I liked it. Very timely for wht is happening to our country nowadays. And to what our honorable politicians did with our country.

Seven years is enough, as one group said. And truly, enough is enough. We cannot have more of these scams, scandals, graft, corruption and blatant violation of human rights. We don't need an economist who doesn't even care about her people and all she boasts are the numbers and figures which people cannot eat.

It's about time my fellow Filipinos to take away the power we have given them. It's about time to stand side by side without those politicos around. It is time that we do not depend on the calls of the church or some charismatic leader for us to get involved and stand up for real change in our country.

It is time for us to change the country without them.

And here is a literary piece dedicated to all Filipinos created by Bernard Backman.

REVERSE CREATION

by Bernard Backman

In the end, we destroyed the heaven that was called Earth. The Earth had been beautiful until our spirit moved over it and destroyed all things.

And we said...

Let there be darkness... and there was darkness. And we liked the darkness; so we called the darkness, Security. And we divided ourselves into races and religions and classes of society. And there was no morning and no evening on the seventh day before the end.

And we said...

Let there be a strong government to control us in our darkness. Let there be armies to control our bodies so that we may learn to kill one another neatly and efficiently in our darkness. And there was no evening and no morning on the sixth day before the end.

And we said...

Let there be rockets and bombs to kill faster and easier; let there be gas chambers and furnaces to be more thorough. And there was no evening and no morning on the fifth day before the end.

And we said...

Let there be drugs and other forms of escape, for there is this constant annoyance - REALITY - which is disturbing our comfort. And there was no evening and no morning on the fourth day before the end.

And we said...

Let there be divisions among the nations, so that we may know who is our common enemy. And there was no evening and no morning on the third day before the end.

And finally we said...

Let us create God in our image. Let some other God compete with us. Let us say that God thinks as we think, hates as we hate, and kills as we kill. And there was no morning and no evening on the second day before the end.

On the last day, there was a great noise on the face of the Earth. Fire consumed the beautiful globe, and there was silence. The blackened Earth now rested to worship the one true God; and God saw all that we had done, and in the silence over the smoldering ruins... God wept.


Labels: , , , ,


Tuesday, February 12, 2008
Sa Ngalan (daw) ng Diyos

Sa pagpasok ng bagong milenyo, parang mga kabuteng nagsulputan ang sandamakmak na mga denominasyon at relihiyon na nangangako ng kaligtasan. Karamihan pa nga ang panghatak nila sila ang “Tunay na Simbahan” na itinatag ni Kristo at kapag hindi kayo sumali sa kanila hindi kayo kasama sa maililigtas. Modernong-moderno ang konsepto. Instant salvation ‘ika nga.

May iba’t ibang gimik pa sila. Isa na rito ang pagbili ng mga istasyon ng radyo’t telebisyon.Tama nga naman. Malakas ang epekto sa tao kung dadaanin mo ito sa media. Madali silang makakaakit sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga larawan na nagpapakita ng kanilang mga nagtatayugang pook-samabahan o di kaya pagpapakita sa dami ng mga taong umaattend ng kanilang mga services. Sa mga programa, tinatalakay nila ang mga nilalaman ng bibliya. Ginagamit nila ang mga talata nito upang patunayan na sila nga ang tunay na relihiyon at ang kanilang mga itinuturo ay nakabase sa bibliya. Minsan pa nga, sila-sila rin ang nagbabatuhan ng putik. Umaabot pa sa puntong nagmumurahan sila. Lahat ng ito ginagawa nila dahil sila ang tunay na simbahang itinatag ng Diyos… sa ngalan ng Diyos.

*****

May isang denominasyon ang nagsasabi na may pastor na nagsasabing siya raw ang “Appointed Son of God”. Siya si Pastor Apollo C. Quiboloy. Pag-aari niya (o nila) ang ACQ-KBN, isang istasyon ng telebisyon. Parang medyo inihawig sa ABS-CBN ‘di ba? Showbiz na showbiz ang dating. Marami na rin silang mga radio station at may tabloid din. Medyo baguhan pa lang sila at kung ikukumpara sa isa pang denominasyon na Iglesia ni Kristo, hindi pa masyadong organized ang kanilang mga ginagawa.

Eto ang ilan sa kanilang ginagawa.

Noong April 13 2005 opisyal na niyang ipini-phase out ang lahat ng denominasyon at relihiyon sa buong mundo. Tayo raw ay nasa Kingdom Age na. Tinawag pa niya ang Davao City na New Jerusalem. “You do not know the day nor the hour” ang sinasabi ng bibliya. Hindi natin malalaman kung kailan siya muling magbabalik. Pero sabi ng denominasyon na ito nagbalik na ang Panginoon at “nag-appoint” na siya ng kanyang anak na nagtatakda ng kanyang muling pagbabalik.

Pero kung susuriin ang kanilang mga pinaggagawa mismo sa telebisyon, aba’y parang entertainment tv sila. Meron nga silang mga religious services na ibino-broadcast sa TV. Pero bakit kelangan pa nilang mag-interview ng mga matataas na opisyal? Sabi nila “the governance of the father is here”, parang inamin din nila na sila ay subjected pa din sa pamamahala ng mga tao na tinawag nilang men and women, hindi Sons and Daughters of God dahil sila ay may tinatawag nilang “serpent seed”. At masyado pa rin silang makamundo. Naipakita minsan sa TV kung gaano kaganda ang bahay ng nasabing “Appointed Son of God.”

Maaalala natin na si Kristo ay namuhay na payak. Siya ay ipinanganak sa isang sabsaban. Nang lumaki hindi siya tumira sa isang palasyo. Siya ay nakikituloy sa bahay ng mga makasalanan. Kahit na anak pa siya ng Diyos, nagpakumbaba siya. Kahit na kaya niyang utusan ang kalikasan na patamaan ng kidlat ang mga Pariseo na umuusig sa kanya hindi niya nagawa. Pero itong si “Appointed Son of God”, ang buong bahay ay naka-aircon. Mala-palasyo ang kanyang bahay. Ang kanilang samabahan ay ubod ng laki at ganda. Maka-mundo. Hindi siya karapat-dapat na maging “Appointed Son of God” kung meron man. At wala talaga kahit sino sa atin, kahit pa ang Santo Papa, na maaari maging “Appointed Son of God”.

*****

Sabi nila sila daw ang tunay na simbahan. Ang kanilang founder na si Felix V. Manalo ang “last messenger of God.” Isa siyang dating Katoliko na nagkaroon ng pagdududa sa mga itinuturong doktrina ng simbahang Katoliko. Dahil daw rito inaral niya ang bibliya. At natuklasan daw niya na hindi nakabase sa Bibliya ang karamihan sa mga aral ng mga Katoliko. Dahil rito napagpasyahan niyan tumiwalag sa simbahan na pinaniniwalaan niyang matagal nang namatay at nagtatag ng isang relihiyon na kung saan muli raw itinatag ang simbahan ni Kristo at siya ang huling propeta.

Sabi ng mga taga-INK na sa loob ng 50 taon, hindi na raw magiging isang Katolikong bansa ang Pilipinas. Mukhang nagkakamali sila.

Hindi nila magawang aminin na sa kabila ng maraming taong inaakit nila na sumama sa relihiyon nila, dumarami din ang mga nadidismaya at nagbabalik-loob bilang mga Katoliko. Karamihan pa sa mga ito ay mga ministro nila o iyung mga talagang nagtataguyod ng kanilang pananampalataya ang mga bumabalik sa simbahang Katolika.

Kagaya rin ng naunang halimbawa, ang simbahang ito ay may mga istasyon ng telebisyon at radyo. Sa kanilang mga programa kanilang ipinagdidiinan na ang pag-anib sa kanilang simbahan ang siya lamang daan para maligtas. Tinatalakay din nila ang ilang mga doktrinang Katoliko para tirahin at pasinungalingan ang mga ito sa pamamagitan ng pagkuha ng mga bersikulo sa bibliya.

Mortal din nilang kaaway na maituturing ang isa pang denominasyon na Ang Dating Daan o tinatawag din na Church of God International. Noon lamang isang taon nagkaroon sila ng palitan ng mga maanghang at matatalim na pananalita sa bawat isa. Umaabot pa ito sa murahan. Kaniya-kaniyang kuha ng video clips at uulit-ulitin sa telebisyon para ipagdiinan na mali sila. Iyan ba ang kanilang nais na ibigay na aral sa kanilang mga taga-sunod? Ang kamuhian ang kanilang mga kaaway? Ni minsan nga wala pa akong narinig sa isa sa mga programa nila na nagsabing ang Diyos ay pag-ibig. Wala talaga. Palagi nilang ipinapakita ang Diyos na isang mapag-parusang ama. Mistula nilang sinasabi na ang Diyos ay walang awa sa mga nagkasala. Tapos ang [segue] pa nila, para daw matuwa ang Diyos sa kanila kailangan nilang umanib sa tunay na simbahan.

Dahil ang simbahang itinatag ni Kristo, ay nawala at nasira na. Ngunit, kung mayroon mang sirang-sira at naliligaw, sila itong mga ‘modernong tagapagligtas.’

Pero mismong si Kristo na ang nagsabi upang pabulaanan ang pahayag na ito.

“Lumapit si Hesus at sinabi sa kanila, "Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Kaya naman humayo kayo at gawin ninyong alagad ang alagad ko ang lhat ng bansa. Bautismuhan niyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo at turang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo. Tandaan ninyo: ako’y lagging kasama niyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.” – Mateo 28: 18-20.

Hindi iiwan ng Diyos ang simbahang kanyang itinatag gaya ng sinasabi ng mga makabagong relihiyon na ito. Hindi iniwan ng Diyos ang Simbahang Katolika. Hindi man niya ipinangako na tayo’y maliligtas kung tayo ay sasapi sa simbahang kanyang itinatag, ang pananampalatayang itinuturo nito ang siyang magliligtas sa amin.

“Patay ang katawang hiwalay sa espiritu; gayon din naman, patay ang pananampalatayang hiwalay sa gawa.” – Santiago 2: 26

At kung araw-araw mang nagpupuri ang mga ‘modernong tagapagligtas’ na ito sa Diyos. Magpatayo man sila ng libu-libong mga simbahan, kung hindi nila isinasabuhay ang kanilang pananampalataya lahat ng ito ay balewala.

Nakakalungkot pa nga na ginagamit nila ang salita ng Diyos upang manira ng iba; sa halip na gamitin ito para tumulong sa iba at sa kaluwalhatian ng Diyos. At ang Bibliya na sinasabi nilang basehan ng kanilang mga pahayag, binababoy nila para lamang mailusot ang kanilang mga baluktot na paniniwala. Isang malaking kapalastanganan ang sirain ang Juan 3: 16 ng isang berso mula sa Efeso. Ang galing nila na tawaging Panginoon si Hesus ngunit itinuturing lamang nila na isang tao.

Kung magkagayon, sino ang sumasamba sa diyos-diyusan? Kung hindi nila itinuturing na Diyos si Kristo, bakit pa nila ito tintawag na Panginoon? Maging sa kanilang mga pinuno na kung ituring nila ay diyos. Ipinagbabawal ang pagkakaroon ng krus o anumang imahe ng Diyos sa kanilang mga pook-sambahan ngunit kailangang may larawan o rebulto ng kanilang pinuno. Sino ba ang mas mahalaga? Ang kaligtasang sinisimbolo ng krus na kung saan namatay si Kristo upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan o ang makabagong relihiyon na sinasabing magliligtas sa ating lahat na itinatag ng isang tao?

Pero sa bandang huli, nasa tao na rin ang pasya kung kanino siya maniniwala.

I hope I have done my part in making you decide.

Para sa kadakilaan ng Diyos na lumikha ng lahat, kay Hesus na ating Panginoon at kay Mariang ating Ina. Alay sa dakilang kapistahan ng pagkamatay at muling pagkabuhay ng ating Panginoon.

Amen.

For more on 'knowing the truth' go and click the February 2007 archives. Thank you.

Labels: , , , ,



Your Ad Here


Business Affiliate ProgramsOffersPersonalsAdvertisingShopping

welcome

Ako ay isang simpleng Pilipino na mamamayan ng bansang Pilipinas na may simpleng pangarap para sa minamahal kong Pilipinas. Gusto kong makita na muling babangon ang Pilipinas at magiging dakila ang bawat Pilipino. Nais ko sana na balang araw ako'y maging Pangulo ng Pilipinas. Kung hindi man iyon magaganap, gusto ko sana na maging tagapagsaboy ng mga binhi ng nasyonalismo sa puso ng bawat Pilipino. Gusto ko silang mamulat sa mga pang-aabuso ng mga Kanluraning bansa sa kanila. Gusto ko na tanggapin ng mga Pilipino na ang nasyonalismo ay hindi isang bagay na dumarating lamang kapag may digmaan o may patatalsiking pangulo. Sana lang maging ganito. Sana lang.


Your Ad Here

blog readability test

TV Reviews

Previous Posts
  • This BLOG will SOON CEASE to EXIST
  • Rebirth
  • TAMA NA! SOBRA NA! PATALSIKIN SI GLORIA!
  • Sa Ngalan (daw) ng Diyos
  • New Post
  • Instant Salvation
  • Para Sa Mga Anti-Christ (Pulot mula sa isang forum...
  • Reflections
  • The Sad Story of the Bible
  • Who Made the Bible?

  • Archives
  • November 2006
  • December 2006
  • January 2007
  • February 2007
  • March 2007
  • September 2007
  • October 2007
  • February 2008
  • March 2008
  • April 2009

  • My Own Network
    Catholic Links

    Pinoy Katoliko
    Kerygma Family
    Preacher In Blue Jeans
    Bo Sanchez
    Bo Sanchez
    Examine Iglesia ni Cristo
    Philippine Bible Society
    Agustinong Pinoy
    CBCP Online
    GenRev
    Defensores Fidei Foundation
    Pinoy Defensores Fidei Foundation Group
    Kat_Holos (apologetics)
    Sa Ibabaw ng Bato

    Chatbox



    Counter/Misc

    free myspace counters
    Cash Advance Payday Loans

    Join the REBELution

    TheRebelution.com: Enlist Today

    Page Rank


    My blog is worth $2,822.70.
    How much is your blog worth?


    Amateur Catholic B-Team Member


    Catholic Search Engine

    Powered by Google

    Listed on BlogShares

    A blog about defending the Catholic faith

    You are a Believer
    You believe in God and your chosen religion. Whether you're Christian, Muslim, Jewish, or Hindu.. Your convictions are strong and unwavering. You think your religion is the one true way, for everyone.
    What's Your Religious Philosophy?

    You Are a Believer
    You definitely believe in God - and you're very unwavering in your religious beliefs. In fact, religion and spirituality are definitely big parts of your life. Religion shapes how you view right and wrong, as well as the decisions you make. It's hard for you to imagine how your life would be without your beliefs.
    Are You an Atheist, Agnostic or a Believer?

    "Never underestimate what a few committed individuals can do to change the WORLD." -Margaret Mead

    disclaimer
    This site is 100% done by kriss, with the help of other media(such as brushes, textures, etc.). No ripping or stealing
    of images or codes without author's permission.